Pinangunahan ng NPC-Caliraya Watershed Area Team (CLWAT) ang tree planting activity na ginanap noong ika-2 ng Agosto 2024 sa Japanese Garden, Barangay West Talaongan, Cavinti, Laguna.

Nakilahok dito ang Governance Commission for GOCCs (GCG), mga kinatawan ng NPC Watershed Management Department (WMD) sa pangunguna ni Emmanuel A. Umali, Department Manager, at ang Strategic and Business Planning Division (SBPD) ng Corporate Affairs Group (CAG); matapos dumalo sa talakayan ukol sa Energy Sector Carbon Sequestration Initiative (ESCSI) Program.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng 80 punla ng katutubong puno, inaasahang makakatulong ito sa pagpapababa ng antas ng carbon dioxide, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagsuporta sa biodiversity.

Sa bisa ng Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Act of 2001 (EPIRA), ang Napocor ay inatasan dinΒ  magsagawa ng watershed protection at rehabilitation functions sa mga reserbasyon na sumusuporta sa power generation. Ang Caliraya Watershed ay isa sa 11 watershed area na pinamamahalaan ng NPC.