Upang maitaas ang kamalayan at makibahagi sa pangangalaga ng watershed ang komunidad, nag-organisa ang NPCโ€“Magat Watershed Area Team (MWAT) ng clean-up drive at tree planting sa ilang mga bayan ng Ifugao.

Mahigit 200 kalahok ang nakiisa sa clean-up drive sa kahabaan ng Magat reservoir mula sa Sto. Domingo at Namnama sa Alfonso Lista hanggang Halag sa Aguinaldo. Samantala, nasa 80 volunteers ang lumahok sa tree planting activity sa Sitio Atuj-ang, Brgy Namnama sa Alfonso Lista.

Bukod sa mga miyembro ng komunidad, nakiisa rin sa mga aktibidad ang mga kinatawan mula sa DENR CENRO, National Irrigation Administration-MARIIS, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Ifugao, PNP, at mga local government units.

Binigyang-diin ni MWAT Community Affairs Officer Migency Attaman na ang clean-up drive ay naglalayong pagandahin ang kalidad ng tubig sa reservoir habang ang pagtatanim ng puno ay naglalayon na hindi lamang i-rehabilitate ang mga lugar na naapektuhan ng sunog kundi mapabuti din ang kalidad ng lupa.

“Gusto rin naming itaguyod ang kolektibong responsibilidad para sa pagpapanatili ng malinis at malusog na kapaligiran,” sabi ni Attaman.

Ang Magat Forest Reserve, na matatagpuan sa mga bahagi ng Ifugao, Isabela at Nueva Vizcaya,ย  ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng National Irrigation Administration (NIA). Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng NIA at NPC, pinamamahalaan na ngayon ng NPC ang 4,300 ektarya ng nasabing watershed.