MENU

NPC, nagbukas ng bagong planta sa isang barangay sa munisipyo ng Balabac, Palawan

Akses sa kuryente ang inihatid ng NPC sa barangay Bancalaan II sa bayan ng Balabac, Palawan matapos buksan nito ang Bancalaan II Diesel Power Plant na inisyal na magbibigay ng walong oras ng kuryente sa may 250 pamilya. 

Sa pangunguna ni Kap. Roy E. Reyes, ang buong isla ay taos pusong nagpasalamat na sa tagal ng kanilang paghihintay, sila ay nabiyayaan na s ng kuryente. 

Ayon sa NPC-SPUG, ang planta ay mayroong kasalukuyang kapasidad na 100 kW at madadagdagan pa ito ng dalawang (2) unit ng 50 kW na generator sets. Ang Bancalaan II DPP ay pangangasiwaan ng dalawang operator na magbibigay ng report kada araw sa SPUG Palawan Operations Division.

Samantala, ang powerhouse naman ng planta ay naitayo sa pamamagitan ng Energy Development Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Plaawan na naglalayon na mapabilis ang pagkakaroon ng kuryente sa mga isla ng lalawigan. 

Ang barangay ng Bancalaan II ay binubuo ng dalawang sitio: Matangule at Marabon, kung saan kasalukuyang nakatayo ang planta. Tulad ng ibang isla sa lalawigan, pangingisda ang karaniwang ikinabubuhay ng mga mamamayan dito. Ang Brgy. Bancalaan ay pangalawa na sa nailunsad na bagong planta ngayong taon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng NPC at Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.