MENU

NPC Ladies Foundation, Inc. Nagpaabot ng Pasasalamat sa mga Blood Donors Noong August 16, 2022 Blood Drive

Bilang suporta at pakikipagtulungan sa Philippine Blood Center ng DOH, ang NPC Ladies Foundation, Inc. noong Martes, Agosto 16 ay nagsagawa ng blood donation drive sa NPC Head Office sa Diliman, Quezon City.

May 42 na empleyado at support personnel ang pumasa sa screening para sa blood donation (anim sa kanila ay para sa apheresis), karamihan sa kanila ay regular donor at Blood Galloner Awardees na. 

Ang bloodletting ay isang regular na programa ng NPC LFI upang tulungan ang mga gawain ng Department of Health sa pagliligtas ng buhay. Ipinaabot ng Board of Trustees ng Foundation ang pasasalamat para sa buong pusong pagbabahagi ng mga donors.