MENU

Sa hangarin nitong paigtingin ang pagpapatupad ng batas para sa pangangalaga ng watershed, nagsagawa ng forest patrol operation ang Angat Watershed Area Team ng NPC, kasama ang 70th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad.

Ang pinagsamang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga puting lauan lumber na iniwan ng mga illegal loggers.

Ang patrol operations ay pinangunahan ni AWAT’s Senior Forest Ranger Nelson U. Gagto at 70 IB’s Sgt. Garry L. Nadal.

Ang madalas na pagpapatrolya sa watershed ay naglalayong hadlangan at mahuli ang mga ilegal na aktibidad na pumipinsala sa kagubatan. Ito ay bahagi ng watershed protection programs ng NPC sa pakikipagtulungan ng Philippine Army.