“I was the black sheep of the family. Bata pa lang ako, drug dependent na ako, napakadilim ng buhay ko noon, kasi broken family kami. Pagkatapos kong maaresto at ma-rehab, nakita ng pamilya ko na kahit gusto kong magbago, hindi ako makakapagbago hanggang hindi ako nailalayo sa barkada. Kaya naisipan nila na ilapit ako sa isang family friend upang maipasok ako sa Napocor, that was March 3, 1983. Laborer lang ako nag-umpisa.

Naging utility ako, hanggang sa natuto akong magmaneho, mababait kasi talaga ang mga taga Napocor. Naging driver ako nung 1997. Habang nagmamaneho ako, pinag-aral ako ng boss ko sa technical school, kaya nag-qualify ako bilang technician ngayon.

Ngayon, yung panganay kong anak nakapagtapos na ng Petroleum Engineering, yung pangalawa nakatapos ng double degree, Philosophy and Education, yung pangatlo ay graduating ng Political Science. Laking pasasalamat ko sa Napocor. 

Hindi natin talaga kaya na tayo lang, kailangan kasama ang Diyos. Iba sya magmahal.”

Ronald ‘Tisoy’ del Rosario
OM Technician
Palawan Operations Division