"Kung wala ang NPC, wala ako sa estado ng buhay ko ngayon. NPC ang humubog sa akin bilang tao. Blessing ni God na makapasok ako dito, bilang security guard dati hanggang sa nag-aral ako ng abogasya at naging abogado. Hindi ko naisip na magiging Department Manager ako. Ang gusto ko lamang noon ay ang makahanap ng trabaho. Basta ang mahalaga marunong kang magdasal at palagi mong ibigay yung best mo kahit security guard ka pa o department manager ka na, pareho na mabigat ang responsibilidad kaya dapat gampanan ito ng mabuti. At dapat, mahalin at pahalagahan mo yung trabaho mo."

-Atty. Edgar Ramirez
Department Manager, Mindanao Generation