NPC ITITIGIL ANG PAGPAPAKAWALA NG TUBIG SA ANGAT DAM EPEKTIBO NGAYONG ALAS DOSE NG GABI

Ipinababatid ng National Power Corporation na ihihinto na nito ang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam epektibo ngayong alas dose ng gabi (Disyembre 17).

Ayon sa pinakahuling monitoring, hindi na banta sa Angat Dam ang kasalukuyang dami ng ulan na nagmumula sa mga bagyong nasa Philippine Area of Responsibility. Ito ang dahilan kung kaya’t minabuti nang administrasyon ng NPC na ipahinto ang pagpapalabas ng tubig mula rito.

Ang pagpapatigil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam ay para hindi na makadagdag sa tubig baha galing sa Nueva Ecija na maaaring makaapekto sa mga komunidad sa paligid nito tulad ng Calumpit, Paombong at Hagonoy.